WALA AKONG MAIPOST!

  Nakakablanko ngayon ang araw ko. Andami na nangyari sa akin, wala pa din akong maisip na maipost dito sa tumblr ko. Nagboboarding house na ako, tapos wala pa din akong mai-opinyon sa mga nangyayari. Nabuburat (lasing sa Bikolano) na ako, hindi pa rin ako makaroon ng kahit anong ideya.

  Tsk, wala kasi kaming TV. Laki ng pinagbago ng mundo ko sa 3 araw ng hindi ko napapanood ng TV. Hindi ko na mapanood ang NBA finals kasi walang TV. Hindi ko na napanood ang crush ko na si Meg Imperial dahil walang TV. Hindi na ako nakakapanood ng WOTL kasi walang TV. Hindi ko na napapanood ang paborito kong Koreanovela kasi nga WALANG TV.

  Pero at least di ko na nakikita ang mga balita tungkol kay Justine Beiber, Lady Gaga, Paris Hilton (nababalita pa ba yun?), Mommy D., etc., etc., etc.

  Yan tuloy wala akong maipost dito.

Pakshet!

    Nakakainit ng ulo talaga! Sabi nila magugunaw na ang mundo ngayon, hindi pa pala.

    Nakautang na ako sa tindahan ng sobrang dami; alak, sigarilyo, pagkain, pati anak ng tindera inutang ko na dahil akala ko magugunaw na ang mundo. Shit talaga!

    Paano ko mababayaran yun?

BAD TRIP!

Mothers! Even When They’re Wrong…They’re Right!

    Mga nanay nga naman. Kahit mali sila, sila pa rin ang tama. Kaya andaming nabubuntis, naglalayas, bumabagsak sa eskwela, pumapangit, nagiging adik, at minsan nagsusuicide. Tsk. Siya din ang madalas kong problema.

    May iba’t-ibang klase ng nanay. May nagger, cool mom, MILF (my favorite), at kung anu-ano pa. Pero kahit ano pa sila hinahanap natin ang amoy nila (katunayan pag nilalambing ko nanay ko, inaamoy at sinisinghot ko lagi ang amoy nya kahit bagong ligo o bagong ligo sa pawis), yakap, halik, baon, kunsumisyon, at kung many to mention.

    Nanay nga naman!

    Pero kahit na ano pa man siya, mahal na mahal natin siya.

    Aanhin mo pa ang GF kung andyan ang nanay mo?

    Hahaha. Happy Mother’s Day sa lahat lalo na sa nanay ko.

{ang first post ko sa tumblr ay alay ko kay nanay ko, love you ma! Huwag niya sana mabasa to! :-) }